^

Bansa

13,000 naperwisyo ng Balikatan 'no-sail zones' — mga mangingisda

James Relativo - Philstar.com
13,000 naperwisyo ng Balikatan 'no-sail zones' — mga mangingisda
Protestang inilunsad sa harapan ng Camp Aguinaldo General Headquarters sa pangunguna ng ilang progresibong grupo gaya ng PAMALAKAYA, ika-10 ng Mayo, 2024
Released/PAMALAKAYA

MANILA, Philippines — Iprinotesta ng ilang progresibong mangingisda ang epekto ng "no-sail zones" na ipinatupad sa ilang lugar ng Balikatan Exercises, ito kasabay ng pagtatapos ng war games sa pagitan ng mga tropang Pinoy at Kano ngayong Biyernes.

Ang protesta ay inilunsad sa harapan ng Camp Aguinaldo General Headquarters sa pangunguna ng ilang progresibong grupo. Aniya, 13,000 rehistradong mangingisa at fish vendors na kasi ang naperwisyo nito sa rehiyon ng Ilocos at Zambales.

"Natapos na ang mapang-udyok na Balikatan ng US pero ang perwisyong idinulot nito sa kabuhayan ng mga mangingisda ay patuloy na nararamdaman," wika ni Salvador France, secretary general ng PAMALAYA.

"Bukod sa epekto sa kabuhayan, pinangangambahang nagdulot ng malawak na pinsala sa ekosistema ang Balikatan dahil sa panganganyon at pangbo-bomba sa dagat na tiyak na nakabulabog sa mga isda at nakasira sa bahura (corals)."

Una nang idineklara ni Balikatan 2024 executive agent Col. Michael Logico ang ipatutupad na no-sail zone sa probinsya ng Ilocos Norte hanggang ngayong araw, bagay na ginawa para magbigay-daan sa counter-landing live-fire exercises sa La Paz Sand Dunes ng Laoag City.

Bukod pa ito sa no-sail zone na ipinatupad sa Zambales para sa integrated air and missle defense na ginawa sa San Antonio.

Una nang sinabi ni Logico na idineklara ang no-sail zones para sa "kaligtasan" ng mga mangingisda at commercial vessels na karaniwang naglalayag sa mga naturang lugar.

"Kung ang ipinagbabawal na dinamita nga ay malaki na ang pinsala sa dagat, ano na lamang ang mga bomba na nanggagaling sa malalaking kanyon," dagdag pa ni France.

Kaugnay nito, magsasagawa aniya ng mga konsultasyon ang PAMALAKAYA sa mga coastal areas na pinagganapan ng Balikatan war games.

Paliwanag ng grupo, ito'y para maimbestigahan na rin daw kung ano ang magiging long-term at negatibong epekto ang maidudulot ng military exercises sa kalikasan at kabuhayan ng mga mangingisda.

Pagtatapos ng Balikatan

Binati naman ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ngayong araw ang 12,000 lumahok sa Balikatan Exercises, kabilang na ang ilang kalahok mula sa Australia, France at observers mula sa 12 bansa.

"[They] took part in impressive training activities across core military functions, fostering robust relationships and deepening expertise. This exercise has taken you everywhere – on land, at sea, in the air, and through cyberspace," sabi ni Carlson.

"As we have heard both President Marcos and President Biden say, security and economic prosperity are inextricably linked – and nowhere is that more apparent than in the vitally important Indo-Pacific region. Exercise Balikatan stands as proof of our collective commitment to enhancing interoperability in support of long-term prosperity not only for participant nations, but for the world."

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas nang samahan ni Carlson sina Marcos sa Combined Coordination Center – Triple C para panoorin ang US at Philippine forces sa pagsasagawa ng live-fire event na nagpapakita aniya ng kanilang kapasidad magpatupad ng mutual defense requirements.

Ikinagalak din ng US official ang pagpapamalas ng knowledge and expertise sharing ng Balikatan participants: mula sa tactical operations hanggang strategic maneauvers.

"These moments of camaraderie and goodwill extend far beyond military activities," dagdag niya pa.

"They demonstrate for all to see the strong, meaningful people-to-people ties that form the basis of our steadfast friendship and undergird our longstanding, ironclad alliance."

Matagal nang sinasabi ng Estados Unidos na handa itong gampanan ang responsibilidad nito sa nilagdaang mutual defense treaty sa Pilipinas, bagay na mag-oobliga aniya sa Amerikang depensahan ang Maynila oras na atakihin.

Ang Zambales ay 124 nautical miles lang mula sa Bajo de Masinloc, isang feature sa loob ng Philippine exclusive economic zone na patuloy na inaangkin ng China.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BALIKATAN EXERCISES

FISHERFOLK

ILOCOS NORTE

PAMALAKAYA

UNITED STATES

ZAMBALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with