MANILA, Philippines — Umaabot sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga ilog sa Metro Manila.
Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, Marilao, Balagtas at Guiguinto.
Ayon kay SMC President and CEO Ramon Ang,
ito ang pinakamalawak at mahabang clean up drive na kanilang ginawa na sinimulan noong pang 2020 sa ‘heavily-polluted’ river systems na Pasig River, Tullahan River, at San Juan River.
Nabatid na halos 1.2 milyon metriko tonelada ng basura ang nahakot sa Pasig River; 1.1 milyon tonelada sa Tullahan River, at halos 320,000 tonelada sa San Juan river mula 2020 hanggang ngayon.
Oktubre 2023 nang ihayag ng SMC ang kanilang clean up drive sa Bulacan, Pampanga, Navotas, Laguna at Cavite sa pakikipagtulugan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang local government units.
“After four years of continuous effort, we are as determined and committed as ever to continue this advocacy, that has had a positive impact on people, local economies, and our environment. We are very grateful for the support of the DENR, DPWH and our partner LGUs, without whom we would not have achieved so much in such a short time,” ani Ang.