^

Bansa

‘Foreign actor’ nasa likod ng deepfake video ni Marcos – PCO

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siniguro ng Presidential Communications Office (PCO) na may gagawing legal na hakbang ang Palasyo ng Malakanyang laban sa mga nagpapakalat ng deepfake videos na nagsasabing inuutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na atakihin ang isang bansa.

Ito ay kahit na natanggal na sa social media ang mga pekeng post.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Patricia Kayle Martin,

Nakipag-ugnayan na ang PCO sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Security Council (NSC) para magsagawa ng imbestigasyon.

“Well, actually, we reached out to DICT ‘no at sa ating National Security Council noong lumabas itong mga deepfake videos no and they’re very active sa pag-investigate about this but hindi lamang pagtukoy ang layunin natin but kundi magsampa ng kaukulang mga aksyon laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon,” pahayag ni Martin.

Sinabi pa ni Martin na base sa inisyal na imbestigasyon ng DICT, isang dayuhang aktor ang nasa likod ng deepfake videos.

Bagama’t hindi na anya nagulat si Pangulong Marcos, hindi dapat na ipagwalang-bahala ang pekeng posts dahil nakaaalarma ito sa posibilidad na masira ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Kasabay nito, hinikayat ng PCO ang publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa mga pekeng balita.

Samantala, nagpahayag na aniya ang malalaking social media platforms gaya ng Google, TikTok, at Meta o Facebook, Instagram at X, na makipagtulungan sa PCO para sa Media and Information Literacy Campaign.

vuukle comment

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with