^

Bansa

40 milyong Pinoy walang malinis na tubig na naiinom

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
40 milyong Pinoy walang malinis na tubig na naiinom
A resident lines up his containers to collect water amidst the intense heat in Binondo, Manila on April 23, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Mayroong 40 milyong Filipino ang walang naiinom na malinis na tubig sa buong bansa.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David, karamihan sa mga Filipino ay kumukuha ng inuming tubig mula sa bukal, creeks at maging sa tubig ulan.

Bagamat mayroon silang malalaking proyekto para sa malalaking siyudad tulad ng Bacolod, Cebu, Cagayan de Oro at Tarlac City ay pinatutukan anya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 40 milyon underserved population kaya nagsasagawa na rin sila ng mga estratehiya para makapagbigay ng malinis na miinom na tubig sa mga komunidad.

Karamihan anya sa mga komunidad na walang malinis na maiinom na tubig ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) at bagamat mayrong 7,600 isla ang Pilipinas, marami pa rin ang hindi nakakalaam na 5,500 dito ay maliliit na isla na karamihan ay mga mangingisda at walang access sa malinis na inuming tubig.

Isa sa estratehiya para sa mga small island barangays ay ang bigyan sila ng tubig na pang-inom sa pamamagitan ng desalination process.

Ang desalination process ay conversion ng sea water sa fresh water at ang main component nito ay desalination system na may membrane filter o pangsala kung saan maiiwan ang lahat ng alat at ilalabas lang ay fresh water.

Ang solusyon naman anya para sa mga residente na nasa upland ay paglalagay ng imprastraktura para magkaroon ng malinis na tubig dahil sa karamihan sa mga residente dito ay nag-iigib sa mga bukal.

Habang nasa 65 barangay ang prayoridad na bigyan ng desalination machine at nasa P5 hanggang P8 milyon ang isang yunit ng desalination machine.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with