^

Bansa

P29/kilo ng bigas mabibili sa Agosto - NIA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P29/kilo ng bigas mabibili sa Agosto - NIA
Workers unload sacks of rice at a warehouse in Tondo, Manila on May 7, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaasahang makakapagbenta na ng P29 kada kilo ng bigas ang kadiwa store ng National Irrigation Administration (NIA) sa Agosto.

Sinabi ni NIA Admi­nistrator Eduardo Guillen, na malaki ang kanilang proyekto at ito ay ang contract farming. Dito anya ay mayroong 100 milyon kilo ang inaasahang mapo-produce ng Agosto.

Habang target din ng Department of Agriculture (DA) na makapagbenta ng P29 kada kilo ng bigas dahil mayroon silang supply na darating sa Hulyo.

Sa ngayon ay nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa store sa NIA dahil sa inis­yatibo ng mga irrigators association bilang pasasalamat nila sa anya ay napakarami nilang tinatanggap na mga ayuda mula sa gobyerno.

Tinanong naman umano ni Guillen ang mga magsasaka kung hindi ba sila lugi dito at ang sagot nila ay hindi dahil ang halaga ng inbred kapag nagtanim sila ay P30,000 at ang yield ay P5,000.

Kaya kung gagamitin anya ang 63% formula ng National Food Autho­rity (NFA) ay mga 3,150 at kung ide-divide ito sa 30,000 ay nasa 10 porsiyento lamang ang production cost ng bigas at kahit na doblehin pa ito ay may kita pa rin ang mga magsasaka na 100 porsiyento.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with