^

Bansa

43 percent ng Pinoy kampi sa US kaysa China sa isyu ng West Philippine Sea

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas maraming Pinoy ang panig sa Estados Unidos kaysa sa China, pagdating sa isyu ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pulong balitaan kahapon sa Intramuros, Manila, sinabi ng Oculum Research and Analytics na lumitaw sa kanilang isinagawang survey na nasa 43% ng mga Pinoy ang nais na maging kaalyado ng Estados Unidos, sakaling tumaas pang lalo ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Nasa 3% lamang ng mga lumahok sa survey na nagsabing pabor silang pumanig sa China.

Ayon kay Racidon Benarte, research head ng Oculum Research, “There is a clear trend of weariness upon the public towards deepening ties with China.”

Samantala, nasa 40% naman ang ayaw makihanay sa alinmang ‘superpower’ at sa halip ay nagmungkahi ng “autonomous approach” para solusyunan ang sigalot.

Sakali umanong sumiklab ang karahasan sa South China Sea, lumitaw sa resulta ng survey na nasa 32% ang nagrekomenda na humingi ng military assistance mula sa US habang 31% ang nagmungkahi na dapat na depensahan ng Pilipinas ang teritoryo nito laban sa China.

Lumitaw rin na 17% lamang ng mga Pinoy ang nagsasabing mapagkakatiwalaan ang China habang 38% ang hindi ito mapagkakatiwalaan.

Nabatid rin na sa 16 bansa na kasama sa survey, ang China ang nakakuha ng pinakamataas na antas ng ‘distrust,’ o kawalan ng pagtitiwala na sinundan ng Russia, 19%.

Lumitaw rin sa survey na 12% lamang ng mga Pinoy ang nagpahayag ng suporta sa pakikipag-partner sa China habang 58% ang nagsabing hindi nila ito suportado.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with