^

Bansa

Mandaue Mayor, 4 pa inireklamo sa Ombudsman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagharap ng kaso at reklamo sa Office of the Ombudsman at Office of the President ang alkalde ng Mandaue City at apat na Konsehal ng Lungsod dahil umano sa pag-abuso sa kapangyarihan at katiwalian.

Sa anim na pahinang affidavit of complaint ni Maria Priscilla Melendres sa tanggapan ni Ombudsman Samuel Martires at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na ginamit umano ni Mayor Jonas Cortes at mga konsehal na sina Maline Cortes-Zafra, Oscar del Castillo, Jen Del Mar at Cynthia Remedio ang kanilang posisyon para kunin at gamitin ang kanyang lupa na malinaw umanong paglabag sa Section 60 of the Local Government Code at Section 3 of the Republic Act 3019, known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Melendres, kinuha umano ang pag-aari niyang 9.5-hektarya lupa sa Zone Ahos, Barangay Paknaan, Mandaue.

Ang nasabing lupa ay ginagamit ngayon bilang relokasyon site para sa mga informal settlers.

Aniya, nagpapatunay umano na ang deklarasyon ng pagbabayad ng buwis ay nakarehistro rin sa kanyang pangalan at kinikilala ng pamahalaang lungsod. Maging sa rekord umano ng City Assessor’s Office ng Lungsod ay sa kanya nakapangalan ang nasabing lupa.

Hiniling ni Melendres na suspindihin muna sa puwesto ang mga opisyal para hindi maimpluwensiyahan ang kaso habang iniimbestigahan.

Ang reklamo ni Melendres ay natanggap ng Ombudsman at Malakanyang nitong March 20, 2024.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with