^

Bansa

Dagupan City posible makaranas ng 'mapanganib' na 46°C heat index

James Relativo - Philstar.com
Dagupan City posible makaranas ng 'mapanganib' na 46°C heat index
Farmers harvest rice amid the hot weather in Apalit, Pampanga on April 13, 2024.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aabot sa 24 lugar sa Pilipinas ang posibleng makatikim ng "dangerous" heat index ngayong araw ng Martes bagay na pinangungunahan ng Dagupan City, Pangasinan sa 46°C, ayon sa PAGASA.

Sa highest heat index forecast na inilabas ng PAGASA, sinabing dalawang dosenang lugar ang may mas mataas na tiyansang makaranas ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke:

  • NAIA Pasay City, Metro Manila: 42°C
  • Laoag City, Ilocos Norte: 42°C
  • Dagupan City, Pangasinan: 46°C
  • Aparri, Cagayan: 43°C
  • Tuguegarao City, Cagayan: 42°C
  • ISU Echage, Isabela: 42°C
  • Clark, Airport (DMIA), Pampanga: 42°C
  • CLSU Munoz, Nueva Ecija: 42°C
  • Baler (Radar), Aurora: 42°C
  • Casiguran, Aurora: 42°C
  • Sangley Port, Cavite: 42°C
  • Aambulong, Tanauan Batangas: 42°C
  • Coron, Palawan: 42°C
  • San Jose, Occidental Mindoro: 42°C
  • Puerto Prinsesa City, Palawan: 42°C
  • Aborlan, Palawan: 43°C
  • Virac (Synop), Catanduanes: 42°C
  • Masbate City, Masbate: 42°C
  • CBSUA-Pili, Camarines Sur: 42°C
  • Roxas City, Capiz: 43°C
  • Iloilo City, Iloilo: 43°C
  • Dumangas, Iloilo: 42°C
  • Catarman, Northern Samar: 42°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 43°C

Kamakailan lang nang iutos ng Department of Education ang "distance learning" para sa mga estudyente ngayong araw para makahabol sa mga takdang aralin, projects bago magtapos ang school year matapos ang kaliwa't kanang suspensyon ng klase dahil sa init.

Mataas ang posibilidad na magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa "danger" heat index classification, na siyang naglalaro sa pagitan ng 42°C hanggang 51°C.

Posibleng mauwi naman sa heat stroke ang mga matagal maglalagi sa ilalim ng araw para sa mga nasa nasabing erya.

Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index.

Ang init na nararamdaman ng tao ay mas akmang sukatin gamit ang heat index dahil sa isinasaalang-alang na rito pati ang alinsangan o halumigmig (relative humidity).

Matatandaang naglabas ang Department of Health ng listahan ng sintomas na dapat abangan sa mga pasyenteng tamaan ng heat stroke at heat cramps, pati na ang first aid para rito.

DAGUPAN CITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

HEAT STROKE

PAGASA

PANGASINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with