^

Bansa

ALAMIN: Mga sintomas at first aid laban sa 'heat stroke'

James Relativo - Philstar.com
ALAMIN: Mga sintomas at first aid laban sa 'heat stroke'
Children and an adult cool off in a makeshift pool beside a street on a hot day in Manila on April 1, 2024.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 42°C pataas ang heat index sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas dulot ng "warm and dry season" — bagay na posibleng mauwi sa heat cramps, heat exhaustion o heat stroke. Pero ano ba ang dapat gawin oras na tamaan ito?

Kasalukuyan kasing nasa "danger level" (42°C-51°C) ang heat index sa 11 lugar sa Pilipinas ngayong Martes, dahilan para magbabala ang Department of Health (DOH) sa epekto nito sa kalusugan ng tao.

Ayon sa DOH, maaaring maauwi sa heat cramps o heat exhaustion ang matataas na temperatura na siyang pwedeng magdulot ng:

  • matinding pagod
  • pagkahilo
  • sakit ng ulo
  • pagsusuka "light-headedness"

Posible namang mauwi sa heat stroke ang mga taong matagal na mabababad sa init, bagay na nauuwi sa:

  • pagkawala ng malay
  • pagkalito
  • pagkokombulsyon (seizures)
  • pagkamatay kung hindi maagapan

Una nang nagsuspindi ng klase ang sari-saring bahagi ng bansa nitong Lunes at ngayong araw dahil sa tindi ng init na nararanasan ng mga estudyante't guro sa mga silid-aralan.

Mga dapat gawin vs heat stroke

Nagbigay naman ang kagawan ng iba't ibang maaariing gawin ng mga indibidwal oras na makita ang mga nabanggit na sintomas sa itaas sa sinumang pasyente:

  • ilipat ang pasyente sa malilim at malamig na lugar na may bentilasyon
  • tanggalin ang panlabas na saplot ng pasyente
  • maglagay ng cold compress, ice packs, malamig na tubig o malamig na tela sa balat, lalo na sa ulo, mukha, leeg, kilo-kilo, pulso, bukong-bukong at singit ng pasyente
  • madalas na painumin ng malamig na tubig ang pasyente kung may malay
  • kumontaka ng emergency services o agad na dalhin sa ospital ang pasyente

Maliban sa pag-iingat at palagiang pagmo-monitor sa PAGASA, ipinayo rin ng DOH ang tamang hydration sa lahat. Aniya, mainam na umiwas munaa sa iced tea, soft drinks, kape at alak.

Mainam din aniyang limitahan ang paglabas sa pagitan ng 10 a.m. at 4 p.m., maliban pa sa paggamit ng sumbrero, payong at sunblock laban sa sunburn. Makaatutulong din daw ang pagsusuot ng maluluwag at magaang kasuotan.

"Heat-related illnesses are preventable. Sa masugid na pagsubaybay sa heat index, maaagapan natin ang heat-related illness," wika ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pahayag.

"The DOH is actively monitoring cases of heat related illnesses, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga."

DEPARTMENT OF HEALTH

EXPLAINER

HEALTH

HEAT INDEX

HEAT STROKE

PAGASA

SUMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with