MANILA, Philippines — Tatlong motorbanca ang hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa katubigan ng Eastern Visayas dahil sa umano’y illegal fishing activities.
Ayon sa PCG kahapon, habang nagsasagawa ng joint maritime patrol ang PCG-manned DA-BFAR vessel, BRP Capones (MRRV-4404), at BFAR Fisheries Protection and Law Enforcement Group sa Libucan Island, Tarangnan Samar, Maripipi Island, at Bool, Biliran, nang mamataan nila ang mga motorbanca na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda.
Dalawa sa nahuling bangka ay gumagamit ng Danish Seine o kilala sa tawag na “hulbot-hulbot.”
Ang ikatlong motor banca ay nasabat naman malapit sa Tarangnan, Samar, at kinumpiska ang ginagamit na fishing net kasunod nang pag-iisyu ng Certificate of Orderly Inspection.
Ang may-ari ng bangka at mga tripulante nito ay pinakawalan din matapos na makapagsumite ng legal na dokumento at inabisuhan na ayusin ang mga kulang nilang requirements.
3 motorbanca hinuli ng PCG, BFAR sa illegal fishing
Layson