^

Bansa

Mga Pinoy sa Lebanon binalaan sa airstrike sa Syria

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Filipino na nakatira doon na mag-ingat sa gitna ng panibagong airstrike sa Iranian consulate sa Damascus malapit sa border ng Syria.

Sa post ng Philipine Embassy sa X (dating Twitter), nagbabala ito na ang sitwasyon sa naturang rehiyon ay pabago-bago at mahalaga na maipagbigay alam at maging maingat palagi.

Hinihinala na Israeli warplanes ang nambomba sa embassy ng Iran sa Damascus noong Lunes na nagresulta sa pagkakasawi ng Iranian military commander at nagdulot ng mas maraming kaguluhan.

Base sa report, naka-high alert na rin ang Estados Unidos at naghahanda sa posibleng pag-atake ng Iran at target ang Israel o American assets sa rehiyon bilang ganti sa airstrike.

Dahil dito kaya pinayuhan na ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy doon na manatiling updated sa sitwasyon sa Lebanon at mga paligid sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ulat sa magpapakatiwalaang sources.

Pinayuhan din sila na sumunod sa mga direktiba at advisories na ipapalabas ng lokal na pamahalaan at manatili sa mga ligtas na lugar.

LEBANON

PHILIPPINE EMBASSY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with