House pinapasolusyunan problema sa RFID stickers

MANILA, Philippines — Pinapahanapan ng solusyon ng House leadership ang mabagal o hindi mabasang mga RFIDs (radio frequency identifications) sa mga sasakyan na nagdulot umano ng buhul-buhol na traffic sa mga tollways noong Miyerkules Santo.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, pupulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX at SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB) upang alamin ang mga gagawing hakbang ng mga toll companies tulad nang pagpapalit ng mga RFID readers.

Ayon kay Cong. Tulfo, “matagal na ang mga reklamong ito pero nitong Semana Santa nakita natin na sablay itong RFID dahil hindi mabasa sa toll gates ang RFID stickers ng maraming sasakyan.”

Sa halip umano na ma­ging maginhawa at mabilis ang pagdaan sa mga toll booth, kalbaryo ang inaabot ng mga motorista.

Matatandaan na milya-milya ang haba ng traffic at ilang oras naantala sa tollgate ang mga sasakyan papunta sa norte ng araw na ‘yun.

“Sa Japan, Singapore, at Europe, automatic na tataas agad ‘yung boom barrier pagdaan ng sasakyan sa toll gate,” aniya.

Show comments