CHR iimbestigahan 'pagdukot' sa 2 environmental activists sa Pangasinan

Composite photos shows Francisco “Eco” Dangla III and Axielle “Jak” Tiong.
Karapatan Central Luzon

MANILA, Philippines — Nabahala ang Commission on Human Rights (CHR) matapos mabalitan ang pagdukot" sa ilang environmental rights defenders at taong simbahan sa probinsya ng Pangasinan — dahilan para magkasa ito ng imbestigasyon sa insidente.

Una nang iniulat ng Karapatan Central Luzon ang pambubugbog at paghila diumano sa red-tagged activists na sina Francisco "Eco" Dangla III at Axielle "Jak" Tiong papasok ng isang sasakyan sa Barangay Polo, San Carlos City nitong Linggo.

"According to the reports of independent human rights groups, still-unidentified suspects onboard a vehicle and accompanied by a motorcycle confronted Dangla and Tiong while they were riding a tricycle on their way out of Barangay Polo at around 8:00 PM," wika ng CHR, Miyerkules.

"Both activists were seen to have been tackled by the suspects and were then forced into the vehicle. Witnesses also report that Tiong was heard shouting for help and that torn pieces of Dangla’s shirt were left in the area."

Sinasabing lider ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Pangasinan at coordinator ng Makabayan so Dangla habang parte ng Anakbayan-Pangasinan si Tiong. Parehong bahagi ng Pangasinan People’s Strike for the Environment ang dalawa.

Una nang sinabi ng Kalikan People's Network for the Environment na nakatanggap ang dalawa ng banta sa buhay matapos iugnay sa mga rebeldeng komunista dahil sa pagpalag sa black sand mining sa Lingayen Gulf, Coal-fired power plants sa Sual, nuclear power plants sa Labrador town at waste-to-energy incinerators sa Pangasinanan.

"We take this opportunity to remind everyone that all acts of red-tagging put the welfare of individuals at risk and may endanger their life, liberty and security. It is, therefore, an outright violation of one’s human rights," pagdidiin ng CHR.

"We stress the need for a stricter implementation of Republic Act No. 10535, or the Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act, to address these cases and ensure that solutions on the level of policy-making can be utilised."

'Ika-22 kaso ng pagdukot'

Ang pagkaawala nina Dangla at Tiong ang ika-pito at ika-walong insidente ng pagdukot sa parehong lugar sa Luzon, wika ng Karapatan. Ayon naman sa Kalikasan PNE, ito na ang ika-22 abduction incident sa ilalim ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Bukod sa pagpapalitaw kina Dangla at Tiong, layon ng komisyon na matukoy ang mga salarin sa naturang pandurukot nang mapanagot ang mga nabanggit sa batas.

Wika ng CHR, magiging posible lang ang masinsing paghahanap kina Dangla at Tiong sa agarang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at alagad ng batas.

Kaugnay nito, tinatawagan din nila ang gobyernong ratipikahan ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance upang mapakitang seryoso ito sa pagprotekta sa karapatan ng mga Pinoy.

Pebrero laang nang irekomenda ni Irene Khan, United Nations  Special Rapporteur on freedom of opinion and expression, na lusawin na ang kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at sa halip magpasa ng batas para protektahan ang human rights defenders.

Setyembre 2023 lang nang ibulgar ng noo'y nawawalang environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro, sa press conference ng gobyerno, na dinukot sila sa Bataan ng militar.

Show comments