MANILA, Philippines — Tatlong navy personnel ang iniulat na nasaktan sa pagbobomba ng water cannon ng China Coast Guard nitong Sabado sa Ayungin Shoal.
Ito ang sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año kung saan sakay ng Unaizah May 4 ang tatlong sundalo na maghahatid ng supply sa BRB Sierra Madre.
Ayon kay Año, matinding pinsala ang ginawang pag-water cannon ng CCG sa Unaizah May 4.
Hindi naman tinukoy ni Año kung ano ang mga tinamong pinsala ng tatlong Navy personnel na ginagamot na sa escort ship ng Philippine Coast Guard.
Ani Año, ordinaryong rotation and resupply at provision operation lang naman ang isinagawa ng Unaizah May 4 kaya nakakagalit ang ginawa ng China.
Sinasakop na umano ng China ang buong South China Sea ng walang legal na basehan.
Nabatid kay Año na ang nasirang barko ay naibalik na sa Palawan matapos na magawang mapagana ulit ang makina nito.
Tiniyak ni Año na hindi magpapatalo at magpapasindak ang Pilipinas sa walang habas na pambu-bully ng China.