^

Bansa

Inflation lumobo sa 3.4% 'dahil sa pagtaas ng presyo pagkain'

James Relativo - Philstar.com
Inflation lumobo sa 3.4% 'dahil sa pagtaas ng presyo pagkain'
A woman gives change to a customer at a market in Manila on Oct. 5, 2023.
AFP/Jam St. Rosa, File

MANILA, Philippines — Muling tumaas ang inflation rate nitong Pebrero 2024 primarya dahil sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Umabot na kasi sa 3.4% ang inflation rate, mas mataas kumpara sa 2.8% noong Enero. Pumapalo na tuloy sa 3.1% ang average inflation para sa 2024.

"The uptrend in the overall inflation in February 2024 was primarily influenced by the higher year-on-year increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 4.6 percent during the month from 3.5 percent in the previous month," wika ng PSA ngayong Martes.

"The annual increase of transport at 1.2 percent during the month from an annual decline of 0.3 percent in January 2024 also contributed to the uptrend."

Maliban sa mga nabanggit sa itaas, nag-ambag din ang mga sumusunod sa pag-akyat ng inflation matapos magtala ng mas mabilis na annual increase na 0.9% ang gastusin sa sumusunod:

  • pabahay
  • tubig
  • kuryente
  • gas atbp. panggatong

Sa kabila ng mas mataas na inflation, mas mababa ito nang husto kaysa sa 8.6% sa parehong panahon noong 2023.

Samantala, nakapagtala naman ng mas mababang inflation rates ang sumusunod na commodity groups noong naturang buwan: 

  • clothing and footwear
  • furnishings, household equipment and routine household maintenance
  • health
  • information and communication
  • recreation, sport and culture
  • restaurants and accommodation services
  • personal care, and miscellaneous goods and services

"The indices of education services and financial services retained their previous month’s annual increment of 3.8 percent and annual decrease of 0.6 percent, respectively," dagdag pa ng PSA.

Pagmahal ng pagkain

Umakyat mula 4.8% ang food inflation sa pambansang antas noong nakaraang buwan, mula sa 3.3% noong Enero. Gayunpaman, mas mataas ito sa 11.1% noongt Pebrero 2023.

Sinasabing pangunahing nagpataas sa food inflation noong Pebrero ang mas mabagal na year-on-year decrease sa gulay, tubers gaya ng halamang ugat, saba, atbp. sa 11% noong Pebrero. 

Maliban pa rito, ang mga karne ng hayop ay naitala sa 0.7% na annual increment noong parehong panahong ito, muyla sa annual decline na 0.7% noong Enero 2024.

Nag-ambag din dito ang cereals at cereal products gaya ng bigas, mais, harina, tinapay, pasta products na siyang nag-ambag din sa upward trend.

Lumabas ang mga datos na ito ilang araw matapos isapubliko ng Social Weather Station ang isang survey kung saan napag-alamang karamihan ng Pinoy ang naniniwalang "walang magbabago" sa estado ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

FOOD

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with