^

Bansa

PPA siniguro ang organisadong cruise hub para palakasin turismo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkasabay na dumaong ang dalawang international cruise ship na Norwegian Jewel at Westerdam sa Pier 15 Manila South Harbor nitong Lunes.

Naunang dumaong sa Puerto Princesa Port nitong Pebrero 24, 2024 at sa Boracay naman noong Pebrero 25 ang Norwegian Jewel habang nagmula naman sa Taiwan ang Westerdam bago magtungo ang mga ito sa nasabing pantalan.

Nasa 2,376 ang pasaherong lulan ng Norwegian Jewel habang nasa 1,970 ang Westerdam. Matatandaang nagkaroon ng pre-arrival meeting nitong Pebrero 20 at walkthrough nitong Pebrero 23 sa pangunguna ng Port Management Office ng NCR South bago ang naging pagdaong ng mga nasabing barko.

Siniguro ng mga port police ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero na nasa pantalan. Mayroong 50 na mga bus sa pantalan para sa mga turistang maglilibot sa Manila at Tagaytay. Naipatupad din ang traffic flow plan na inihanda ng nasabing PMO para sa mga bababang turista kung saan magkahiwalay ang lane ng maglilibot ng naka-bus at mga mag Do-It-Yourself Tour.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang Norwegian Jewel noong nakaraang taon dahil sa viral na ‘Cruise Chaos’ viral video kung saan pinatawan ng PPA ng 30-araw na suspensiyon ang ship agent ng cruise ship na Ben Line Agencies Inc. Kasunod ito ng mga reklamo ng mga pasahero dahil sa traffic at kakulangan ng vehicle services.

“Patunay po ito na kapag may disiplina at kapag sumusunod sa mga napag-usapan sa mga pre-arrival meetings ang lahat ng sektor na kabilang sa cruise ship, hindi po nagkakaroon ng problema o anumang aberya. Makikita niyo naman po hindi lang ito ang unang pagkakataon na na-handle ng PPA ang magkakasabay na cruise ship ng maayos, we always try to make sure na seamless ang pagdaong ng mga cruise ship sakay ang mga bisita natin mula sa iba’t ibang bansa,” pahayag ni PPA GM Jay Santiago.

MANILA SOUTH HARBOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with