^

Bansa

DOH nagbabala vs ‘gluta’ drip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH nagbabala vs ‘gluta’ drip
Mariel Rodriguez-Padilla conducting an IV drip session in the Senate office of her husband Robin Padilla
Mariel Rodriguez-Padilla via Instagram

MANILA, Philippines — Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila ­inirerekomenda ang paggamit ng glutathione drip o injectable glutathione sa pagpapaputi ng balat, habang nagbabala rin ito na ang paggamit ng Vitamin C injection ay maaaring magdulot ng kidney stones.

Inihayag ito ng DOH kasunod na ng nag-viral na larawan ng showbiz personality na si Mariel Rodriguez habang nagpapa-drip sa loob ng tanggapan sa Senado ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla.

Unang napaulat na gluta drip ang ginagamit ng aktres ngunit malaunan ay nilinaw niya na Vitamin C lamang ito kasabay ng paghingi ng sorry.

Ayon sa DOH, mariin nilang tinututulan ang paggamit ng glutathione upang magpaputi ng balat.

Paliwanag nito, ang injectable glutathione ay aprubado lamang ng Food and Drug Administration (FDA) bilang adjunct treatment sa cisplatin chemotherapy at hindi para sa skin lightening.

Dagdag pa ng DOH, ang injectable glutathione ay minsang pinaparesan ng intravenous Vitamin C upang umano’y maging mas epektibo sa pagpapaputi.

Gayunman, ang Vitamin C injection ay maa­aring mabuo bilang bato sa bato kung ang ihi ay acidic.

DOH

GLUTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with