^

Bansa

DOH kontra sa pagtatanim, manufacture ng marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Department of Health (DOH) na tutol pa rin ang ahensya sa pagtatanim ng marijuana at pag-manufacture ng mga produktong cannabis sa bansa sa kabila ng mga pagsusulong na gamitin ito sa medikal na pamamaraan.

“The DOH does not support either the cultivation of cannabis plants or the manufacture of the cannabis products,” ayon sa ahensya.

Ito ay makaraan ang pagpasa ng pagsusulong sa Kongreso ng panukalang-batas sa paggamit ng cannabis bilang medisina.

Paliwanag ng DOH, kinikilala nila ang planong legalisasyon ng Medical Cannabis, na nilinaw nilang magkaiba sa “re­creational marijuana”. Ngunit lahat ng inisyati­bong ito ay dapat umano ay base sa mga siyentipikong ebidensya, pagiging epektibo nito at epekto sa pampublikong kalusugan.

“Legislation should also consider the regulatory capacity of all government agencies that will be involved should there be approval,” saad ng DOH.

Sa kasalukuyan, ipinaalala ng DOH na ipinagbabawal pa rin ng batas ang anumang uri ng paggamit ng marijuana, maliban kung mabibigyan ng “compassionate special permit (CSP)” mula sa Food and Drugs Administration (FDA) na papayag sa paggamit at importasyon nito.

“We shall keep the public updated should there be developments in the use of Medical Cannabis,” dagdag pa ng ahensya.

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with