Inflation rate bagsak sa 2.8%, mahigit 3-year-low 'dahil sa presyo ng pagkain'
MANILA, Philippines — Lalong kumupad ang inflation rate sa pagpasok ng 2024 dahil sa mas makupad na pagtaas ng presyo ng pagkain, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sumampa kasi sa 2.8% ang January 2024 inflation rate, mas mabagal pa kaysa sa naitala noong Disyembre. Malayong-malayo ito sa 8.7% noong January 2023.
"This is the lowest inflation rate since the 2.3 percent inflation rate recorded in October 2020," wika ng PSA ngayong Martes.
"The downtrend in the overall inflation in January 2024 was primarily brought about by the slower annual increment of food and non-alcoholic beverages at 3.5 percent in January 2024 from 5.4 percent in the previous month."
Ang datos mula sa pinakabagong inflation report ay pasok sa 2-4% target ng gobyerno.
Naitala rin ang lower annual increments sa indices ng mga sumusunod na commodity groups noong naturang buwan:
- Alcoholic beverages and tobacco, 8.4%
- Clothing and footwear, 3.8%
- Furnishings, household equipment and routine household maintenance, 3.9%
- Health, 3.3%
- Recreation, sport and culture, 4%
- Restaurants and accommodation services, 5.5%
- Personal care, and miscellaneous goods and services, 4%
"Food inflation at the national level eased to 3.3 percent in January 2024 from 5.5 percent in the previous month," dagdag pa ng PSA.
"In January 2023, food inflation was higher at 11.2 percent."
Sa kabila nito, lumobo ang rice inflation mula 19.6% (Disyembre) patungong 22.6% nitong Enero.
Bumaba rin ang inflation rate sa National Capital Region (NCR) gaya ng sa buong Pilipinas, mula 3.5% patungong 2.8%. Malayo na ito sa 8.6% noong Enero 2023.
Lahat ng rehiyon sa labas ng NCR ay nakapagtala ng mas mabagal na inflation. Cagayan Valley at Ilocos Region ang nakapagtala ng pinakamababang inflation rate sa 1.5% habang Davao Region naman ang may pionakamataas sa 4.4%.
Nangyayari ang lahat ng ito matapos ipangako ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na walang magugutom sa ilalim ng kanyang "Bagong Pilipinas," ito kahit hindi pa rin natutupad ang pangako niyang P20/kilong bigas mula pa noong 2022 elections.
- Latest