Farmgate price ng maliliit na itlog bumaba sa P4

Market vendor in marikina wet and dry market said prices of eggs in the market is possible to increase due to feeds hike.

MANILA, Philippines — Bumaba ang farmgate price ng maliliit na itlog nang hanggang P4 kada piraso dulot ng pagbaba ng demand dito ng mga mamimili sa kabila na maraming suplay ng naturang produkto.

Ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA), ang kasaluku­yang farmgate price ng medium na itlog ay P5 hanggang P6, samantalang ang small size ay nasa P4-P5 depende sa lugar ng farm.

Sinabi ni PEBA Chairman Gregorio San Diego, sa ngayon ay oversupply ang itlog dahil hindi gaanong binibili ng mga consumers.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture sa mga palengke sa Metro Manila, ang retail prices ng medium-sized eggs ay pumapalo sa P6.80 hanggang P8.50.

Ayon sa mga wholesalers ng itlog, may P20 na bawas ang presyo ng bawat tray ng itlog samantalang ang medium sized eggs ay nabebenta ngayon ng P160 per tray, ang large size ay P180 at ang extra large ay P210 per tray.

Show comments