^

Bansa

SRP sa bigas planong ipatupad ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SRP sa bigas planong ipatupad ng DA
Workers arrange sacks of rice at a retailer outlet in Quezon City.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Plano ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto.

Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer groups, producer groups, traders at millers upang maitakda ang SRP.

Ang pahayag ay ginawa ng DA nang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may pagtaas sa pre­syo ng bigas ng may 22.9 percent noong Disyembre 2023, ang pinaka mabilis na pagsirit ng presyo sa nakalipas na 14 na taon.

Kailangan nating tignan ‘yung composition sa producers group, paano na produce ‘yung palay hanggang sa maging bigas. And then, on the traders side, ano mga gastusin nila sa warehousing, sa milling, sa drying. Sa retailers naman, magkano ‘yung kanilang mga gastusin din po, at maikumpara, at sa ganoong paraan, makikita po ang magiging gains ng SRP,” pahayag ni De Mesa.

Noong Disyembre 2023, ang presyo ng well-milled rice kada kilo ay pumalo sa P53.82, mas mataas ito sa P51.99 per kilo noong November 2023 o halos mataas ng P10 kung ikukumpara sa P43.98 kada kilo ng bigas noong December 2022.

SRP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with