Enero 9, idineklarang holiday sa Maynila

Catholic devotees of the Black Nazarene attend the second day mass of the year at the Quiapo Church in Manila on January 2, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbing” Marcos Jr., ang Enero 9, Martes bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Pangulo, nararapat lamang na ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila ay mabigyan ng buong pagkakataon na lumahok sa okasyon at tamasahin ang pagdiriwang.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” nakasaad sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin nitong Enero 4.

Ipagdiriwang sa Maynila ang Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Show comments