'Bara-barang' pagtanggal ng senior high sa SUCs, LUCs kinundena

High school students wait for their time in front Marikina High School in Marikina on November 2, 2022, DepEd also announced the full face-to-face classes for public and private schools will resume.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Binanatan ng mga guro at kabataan ang utos ng Commission on Higher Education (CHED) na itigil ang inihahaing senior high school program sa mga state at local universities and colleges, bagay na minadali aniya at magulo.

Noong nakaraang linggo lang kasi nang utusan ni CHED chairperson Prospero de Vera ang lahat ng SUCs at LUCs na itigil ito simula school year 2024-2025.

Wala na raw kasing ligal na batayan para pondohan ito matapos mapaso ang K-12 transition period.

"We, the Teacher’s Dignity Coalition (TDC) and Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), assert that haphazardly discontinuing the Senior High School program in State and Local Universities and Colleges, without guaranteeing improved access and quality of our education system, will lead to economic displacement for our teachers and threaten our learners’ right to accessible and quality education," ayon sa dalawang grupo.

"While we understand that SUCs and LUCs are mandated to offer the SHS program only during the K-12 transition period, we fear that mechanically following suit without serious consideration of the drawbacks on education stakeholders will lead to another learning crisis leaving 17,700 students affected by dislocation and hundreds of thousands more by imminent congestion."

Una nang sinabi ng CHED na paso na ang pakikilahok ng mga LUCs at SUCs sa basic education sa pamamagitan ng SHS program. Tapos na raw kasi ang transition period na SYs 2016-2017 hanggang 2020-2021.

Sa halip, inengganyo ng TDC at SPARK ang national agencies na palawagin pa ang K-12 transition period para maisang-alang-alang ang oras at rekursong kinakailangan para matiyak na:

  • may kapasidad ang senior high schools (pampubliko at pribado) na magkaroon ng kapasidad para ma-absorb ang lahat ng estudyanteng maaapektuhan ng discontinuation ng SHS program sa SUCs at LUCs
  • hindi bababa ang ang kaledad ng education learners mula sa SUCs at LUCs
  • walang economic discolation sa lahat ng SHS instructors at teachers

Aniya, makatutulong ang mga nabanggit para maiwasan din ang siksikan. Mababawasan din aniya ang dagdag na gastusin sa paglipat ng eskwelahan (pamasahe, uniporme at pagproproseso ng dokumento).

"Any less than this would mean failure to protect and fulfill the right of all citizens to quality education at all levels, and making such education accessible to all," dagdag ng dalawang grupo.

'Public schools kaya i-absorb mga bata'

Siniguro naman ng Department of Education ngayong araw na kayang saluhin ng mga pampublikong paaralan sa ngayon ang libu-libong SHS students na madi-displace sa susunod na taon sa pagputol ng programa.

"Yes, we can handle it. We’ve talked to the regional offices and schools division offices where we have enrollees in local universities," ani DEpEd Assistant Secretary Francis Bringas.

"Out of the 17,700, an average of 250 learners per division will have to be accommodated by division offices."

Maliban sa discontinuation ng SHS programs sa mga naturang estabblisyamento, ihihinto na rin ang pamimigay ng SHS voucher subsidies sa mga estudyante sa mga SUCs, maliban sa paglalagay ng hanggang sa enrollment ng mga mga laboratory schools mula 1,000 estudyante patungong 750.

Show comments