^

Bansa

Paniniktik ng militar, kailangan ng kautusan mula korte - Supreme Court

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paniniktik ng militar, kailangan ng kautusan mula korte - Supreme Court
Ang naturang probi­syon ang isa sa nakasaad sa Anti-Terrorism Act of 2020 na nakatakdang maging epektibo sa dara­ting na Ene­ro 15, 2024.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Supreme Court (SC) sa militar at iba pang law enforcement units na kailangan munang kumuha ng “written surveillance order” mula sa Court of Appeals bago magsagawa ng “wiretapping” sa mga pinaghihinalaang teroristang organisasyon.

Ang naturang probi­syon ang isa sa nakasaad sa Anti-Terrorism Act of 2020 na nakatakdang maging epektibo sa dara­ting na Ene­ro 15, 2024.

Sa ilalim ng panuntunan, makarang makakuha ng surveillance order, maaa­ring kumuha ang sinumang law enforcement agency ng kinakailangang impormasyon, datos, at laman ng komunikasyon sa mga service provider at maging ang pagpreserba nito, ukol sa sinusubayayang indibidwal o organisasyon.

Ngunit nakasaad rin naman sa inilabas na panuntunan ang mga pamamaraan na susundin ng isang indibidwal o organisasyon na nais matanggal ang desig­nasyon nila na terorista ng Anti-Terrorism Council at ang pagpigil sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council.

Malinaw rin na nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang uri ng pagto-torture at iba pang uri ng pagmamalabis sa imbestigasyon o interogasyon.

Kung may maaaresto na pinaghihinalaang tero­rista, nakasaad sa anti-terror law na hindi sila maaaring iditine ng lalagpas sa 14 na araw at ayon sa itatalagang Regional Trial Court ng higit sa 10-araw.

Mahigpit na parurusahan ang isang opisyal na magkukulong sa isang pinaghihinalaan o mabigo na ibigay sila sa tamang awtoridad sa loob ng 12 hanggang 36 na oras.

“The parties can likewise avail of other existing reme­dies, such as the writs of habeas corpus, amparo, and habeas data, and appeals to the Supreme Court when appropriate,” ayon pa sa SC.

MILITAR

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with