MANILA, Philippines — Maaari nang makakuha ng diskwento sa electricity bill kada buwan simula sa Enero ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, ito ay sa pamamagitan ng Lifeline Rate Subsidy ng gobyerno na sisimulang ipatupad sa 2024 kung saan magbibigay ng diskwento sa mga rehistradong electricity customers na hindi makabayad ng buo ng kanilang bayarin sa kuryente.
Paalala ni Gatchalian sa mga benepisyaryo, tanging mga rehistrado lamang sa programa ang maaaring makakuha ng subsidiya.
Nilinaw naman ng senador na naantala ang implementasyon ng naturang programa mula Setyembre ngayon taon hanggang Enero 2024 para bigyan ng pagkakataon ang mas marami pang 4Ps beneficiaries ng panahon na magpalista.
Si Gatchalian ang may akda ng batas nagpapalawig sa Republic Act 11552.
Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isa sa tatlong ahensiya ng tripartite council na nagpapatupad ng programa at kabilang ang 4Ps beneficiaries at listahan ng mga kinilalang mahirap ang maaaring makakuha ng diskwento.
Ang diskwento ay nakadepende sa electricity consumption ng cunsumers kung saan maaari silang makakuha ng 20-100 discount sa electricity bills, habang ang diskwento ay depende pa rin sa distribution utilities.
Ang mga bahay na kumokonsumo ng 0-20 kwh ay maaaring bigyan ng 100% discount habang ang kumukunsumo ng 20-50 kwh ay maaaring bigyan ng 50% subsidy at ang 51-70 kwh ay mabibigyan ng 35% subsidiya at ang 71-100 kwh ay may 20% subsidy.
Para mag-apply naman sa Lifeline Rate Subsody Program ang mga 4Ps beneficiaries at maaari silang magtungo sa distributiom utility o electric cooperative sa kanilang mga lugar at magdala ng kanilang 4Ps ID o iba pa government valid ID na mayroong lagda at kanilang address.
Kailangan din magdala ng accomplished application form at bagong electricity bill habang ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nasa itinakdang poverty threshold ng Philippine Statistics Authority ay kailangang magpresenta ng ratipikasyon mula sa local DSWD office na inisyu sa loob ng anim na buwan.