BFP naka-red alert hanggang Enero 2024
MANILA, Philippines — Naka-red alert na ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magtatagal hanggang Enero 1, 2024.
Ayon sa BFP, ipatutupad ang iba’t ibang operational readiness at precautionary measures kabilang ang 24/7 standby ng mga fire trucks sa lahat ng mga istasyon.
Ang mga ito ay nakahandang tumugon sa anumang tawag o insidenteng maipapaabot sa ahensiya.
Kabilang din dito ang bukas na linya ng komunikasyon, paglilibot sa mga nasasakupan ng bawat istasyon upang magpaalala sa publiko, at pagtiyak ng sapat na pasilidad at kagamitan para sa mga rerespondehang insidente.
Payo rin ng BFP na sundin ang mga itinalagang “community fireworks display area” o lugar kung saan maaaring magpaputok ng sama-sama ang mga residente.
Giit ng BFP, hangad nitong maging maayos, ligtas, at ‘fruitful’ ang holiday season sa bansa.
- Latest