^

Bansa

PNP tiniyak seguridad sa bus terminals, airports

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP tiniyak seguridad sa bus terminals, airports
The Civil Aviation Authority of the Philippines is expecting around 2.2 million travelers in airports this month during the holiday season, up by two million from the same time last year.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Personal na pina­ngunahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang inspeksyon sa iba’t ibang areas convergence at vital installations upang tignan kung sapat ang nakalatag na seguridad ng pulisya ngayong Kapaskuhan.

Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ang unang ininspeksiyon ni Acorda at isinunod ang ilang bus terminal upang alamin ang sitwasyon doon bilang bahagi ng Ligtas Kapaskuhan 2023.

Inaasahan ang dagsa ng mga com­muters na nagsisiuwian sa kanilang mga probinsya gayundin ang mga taga probinsya naman na magbabakasyon sa Maynila.

Una nang tiniyak ng PNP ang kanilang pagtutok sa mga area of convergence gaya ng mga paliparan, pantalan, terminal, mga pasyalan at iba pang matataong lugar.

Matapos ang Pasko, sunod na iinspeksyunin ni Acorda ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan para naman paghandaan ang pagsalubong ng sambayanang Pilipino sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang pag-iikot ni Acorda ay upang masiguro na walang nakaligtaan lalo na sa security coverage na isinagawa ng kapulisan.

Bagama’t wala pang namomonitor na untoward incidents hindi pa rin dapat na magpakampante ang mga pulis.

Patuloy na nagbabantay at bina-validate ang impormasyon upang hindi nakokompromiso ang  security measures ng pamahalaan.

ACORDA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with