DOH: Pondo sa bakuna 'no need' taasan kahit COVID-19 cases 50% inilobo

Shoppers flock to Ilaya Street in Divisoria, Manila to purchase holiday gifts on December 18, 2023.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi kinakailangang bumili nang mas maraming COVID-19 vaccines ang gobyerno kahit dumoble ang bilang nahawaan ng naturang virus nitong nakaraang linggo.

Lunes nang kumpirmahin ng DOH na umabot sa 2,725 ang bagong COVID-19 infections mula ika-12 hanggang ika-18 ng Disyembre.

Nasa 50% 'yang paglaki kumpara 1,821 na na-record ng gobyerno noong ika-5 hanggang ika-11 ngayong buwan.

"We don't have to buy as much as before. Even the last donation to us, the bivalent vaccines, took us months to consume. So it seems not many are interested anymore to get vaccinations," wika ni Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Martes sa panayam ng ANC.

"The fear and scare is not as much as it was when there was a lot of uncertainty. People have learned more about this illness, the doctors are also confident on how they treat these cases and they also know how to treat them already."

Paliwanag ni Herbosa, bagama't lumalaki ang bilang ng nahahawaan ay hindi naman aniya umaakyat ang mga kasong kailangang isugod sa ospital sa ngayon.

Iniuugnay ito ng DOH sa COVID-19 vaccination. Aniya, bagama't pwede ka pa rin daw madapuan ng naturang virus, nagiging mas madali para sa mga nabakunahang gumaling sa karamdaman.

"If you notice, many of us will get an infection and it will be two to three days of symptoms and after that you're already getting better," dagdag pa niya.

"That's the promise of the vaccine, you will get a milder version of the disease if you're fully vaccinated and boosted."

"Before, during the COVID-19 pandemic, we recorded everyone that had a positive COVID-19 test as a COVID-19 deaths, but that’s changing because now, in the past several weeks there were 16 reported deaths. I had it analyzed with my epidemiology team, and it turns out many of them died of heart attack or other illness."

'Mas maalaman na tayo ngayon'

Bagama't tumataas daw uli ang mga nahahawaan, positibong development aniya na mas maalam na ang publiko sa sakit. 

Magandang ideya pa rin daw sa ngayon ang pagsusuot ng face mask para sa mga immunocompromised, maliban pa sa pananatili sa bahay kung sakaling magpositibo sa sakit.

Inirerekomenda sa ngayon ni Herbosa na mag-isolate ang mga naghihinalang tinamaan nito nang limang araw at kumuha ng rapid antigen test ilang araw matapos nito para makumpirma kung nahawaan o hindi. Mainam din aniyang magsuot ng maskara limang araw pa matapos nito.

Umabot na sa 4.13 milyon ang nahahawaan ng sakit simula nang makapasok ito ng Pilipinas noong 2020. Sa bilang na 'yan, 4,780 ang aktibo pa habang 66,795 naman ang patay na.

Bukod sa COVID-19, mainam din daw na mag-ingat ang mga Pilipino sa pagkalat ng lahat ng respiratory illnesses gaya ng iba pang influenza-like illness.

Show comments