^

Bansa

Utos ng COA sa PTV aaksyunan ng bagong GM

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipatupad ang nasimulang hakbang ng bagong general manager ng PTV laban sa umano’y anomalya.

Ito ang naging panawagan ng PTV Employees Association (PTEA) sa kinauukulan upang ipatupad na ni PTV General Manager Analisa Puod ang utos ng Commission on Audit (COA) sa kaso ng mga kontro­bersyal na Officers-In-Charge ng nasabing network.

“Inaasahan ng aming union ang suporta ni PCO Secretary Cheloy Garafil, base sa aming meeting, tung­kol sa pag-aalis ng middle management,” ani PTEA President Florante Gacis.

Base sa dokumento ng COA na ipinadala sa ma­nagement ng PTV, pinagbabayad ang tatlong OICs ng halagang P3,098,578.26 na sobrang singil sa retrofitting at restrengthening ng transmission tower.

Bukod pa rito ang lampas kalahating milyon na pag­sasaayos ng studio switcher sa main office ng network na sinasabing overpriced din.

Ang tatlo ay sina Alex Poncio na OIC ng Engineering Department, Richard Valdez na OIC Station Manager ng PTV Cordillera station at Maria Angela Gatan na OIC ng Public Affairs at Programming. Agad naman na nagpalabas ng memo si Puod noong December 7 matapos makita nito ang COA Order of Execution (COE) at Notice of Disallowances (ND) sa tatlo na noon pang 2014 at 2015 ipinadala ng COA sa PTV.

PTV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with