MANILA, Philippines (Updated 5:59 p.m.) — Binulaga ng malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.
Bandang 4:23 p.m. nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.
Nagtala ang Phivolcs ng iba't-ibang intensity sa maraming bahagi ng Pilipinas:
Intensity V (strong)
- Lubang, Occidental Mindoro
- Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity IV (moderately strong)
- City of Makati
- Quezon City
- City of Taguig
- City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, Bulacan
- Floridablanca, Pampanga
- San Jose, Batangas
- City of Tagaytay, Cavite
Intensity III (weak)
- City of Caloocan
- City of Pasig
- Cuenca at Talisay, Batangas
- City of Bacoor, at City of General Trias, Cavite
- Rodriguez, Rizal
- Mamburao, Occidental Mindoro
Intensity II (slightly felt)
- City of Marikina
- City of San Jose Del Monte, Bulacan
- Gabaldon, Nueva Ecija
- Lucban, Quezon
- San Mateo, Rizal
- Odiongan, Romblon
Intensity I (scarcely perceptible)
- City of San Fernando, Pampanga
- City of San Pedro, Laguna
- Mauban, Quezon
Makikita sa video na ito kung paano biglang lumabas ang mga kawani ng Department of Justice sa kanilang building ilang sandali matapos ianunsyo ang pagpasa ng nasa 3,812 katao sa professional licensure examination para sa mga abogado.
WATCH: DOJ staff and personnel gathered outside the DOJ building following the tremors felt. | @PhilstarNews pic.twitter.com/iYCS3z94Ly
— Ian Patrick Laqui (@IanLaquiPatrick) December 5, 2023
Sa kabila ng pag-uga ng lupa, wala pang inaasahang pinsala kasunod ng earthquake. Gayunpaman, mataas naman daw ang posibilidad ng aftershocks o 'yung mga kasunod na mas mahihinang lindol.
Wala pa namang inilalabas na detalye ang gobyerno kung may banta ng tsunami dulot ng quake. — may mga ulat mula kay Ian Laqui
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito