^

Bansa

Seguridad sa tubig isinusulong

Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa tubig isinusulong
Sen. Francis “Tol” Tolentino
Francis Tolentino / Facebook page

MANILA, Philippines — Itinutulak ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang patuloy na pagpapaunlad ng water sources sa buong bansa upang makamit ang seguridad sa tubig para sa Pilipino, isang pangunahing karapatang pantao.

Sa pakikipag-usap kay Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Vince Revil noong Sabado, binanggit ni Sen. Tolentino ang ilang pinagmumulan ng sa tubig tulad ng mga talon at dam at ang pangangailangang amyendahan ang Building Code of the Philippines upang maisama ang mga disenyong ginagamit sa pag-recycle sa tubig at tubig-ulan para sa muling paggamit ng mga residente ng gusali.

Binanggit din niya ang water-impounding law bilang umiiral na polisiya ng gobyerno na nag-aatas sa lahat ng barangay na mag-develop ng water systems sa kanilang mga lokalidad para matiyak ang supply ng tubig sa mga residente.

Hinikayat ni Sen. Tolentino ang LWUA na gamitin ang science and technology, upang sa katagalan ay makabuo ng mga teknolohiya kung paano i-recycle ang tubig at tubig-ulan para sa muling paggamit.

Sinabi rin niya kay Administrator Revil ang kasaganaan ng water sources, tulad ng naobserbahan niya sa Cebu na napakaraming talon na maaaring i-develop at kung paano ang mga ito makatutulong sa mga katutubong komunidad na magkaroon ng malinis na tubig.

SOURCES

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with