PNP handa na sa Retirement honors ni Acorda
MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang retirement honors para kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, mahigit dalawang linggo nang naghahanda ang PNP para sa igagawad na retirement honors para kay Acorda.
Nakatakdang magretiro bukas, Disyembre 3 si Acorda.
Sa ngayon, wala pang impormasyon kung may napili na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na susunod na hepe ng PNP o palalawigin ang serbisyo ni Acorda.
Base sa Chain of Command, lumulutang bilang mga kandidato para sa pinakamataas na pwesto ng PNP ay sina: PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP; si PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria, na pangatlong pinakamataas; at PNP Deputy Chief of the Directorial Staff Police Lieutenant General Emmanuel Peralta, na pang-apat.
Gayundin sina PNP SAF Director Police Major General Bernard Banac, PNP CIDG director Police Major General Romeo Caramat Jr., PNP Directorate for Comptrollership director Police Major General Rommel Francisco Marbil at NCRPO regional director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr.
- Latest