MANILA, Philippines — Tumulak na kahapon patungong Riyadh, Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa unang Asean-Gulf Cooperation Council.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, gagawin ang pagpupulong sa Oktubre 19 hanggang 20.
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Vice-President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa.
Pangangasiwaan ni Duterte ang pang-araw araw na gawain sa sangay ng ehekutibo habang wala ang Pangulo.
Bukod sa Asen-GCC summit, hihikayatin din ni Pangulong Marcos ang mga negosyante sa Saudi Arabia na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.