Senado umalerto na rin sa cyberattack
MANILA, Philippines — Umalerto na rin ang Senado matapos ang magkakasunod na cyberattacks nitong nitong nakaraang linggo kung saan kabilang sa nabiktima ay ang House of Representatives.
Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na simula nang malaman nila na maging ang Kamara ay na-hacked ay kaagad umalerto ang kanilang team at patuloy ang pagmomonitor.
Iginiit pa ni Bantug na ang Senado ay mayroong application firewall na makakatulong para protektahan ang kanilang website, subalit ang kanilang tehcnology team ay gumawa ng adjustments para palakasin pa ang security nito.
Base rin umano sa IT ng Senado ay mayroong silang naitalaga na mataas na bilang na cyber attack noong linggo.
Una nang nagkaroon ng data breaches sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Statistics Authority (PSA) at ang pinakabago ay Kamara.
Linggo ng umaga nang makita ang homepage ng Kamara na nagpapakita ng troll face meme kung saan nakalagay na “You’ve been hacked. Have a nice day. Happy April Fullz kahit October palang! Fix your Website”.
- Latest