^

Bansa

DOTr inireklamo ng 'cyber libel' transport leader, journo dahil sa corruption allegation

James Relativo - Philstar.com
DOTr inireklamo ng 'cyber libel' transport leader, journo dahil sa corruption allegation
Members of Manibela transport group wave their protest banners and placards during their strike and demonstration at the foot of Mendiola Bridge in Manila on October 16, 2023.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghain ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.

Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson Mar Valbuena at journo na si Ira Panganiban.

"Marami silang accusation na ako raw ay tumanggap ng pera, ng suhol. Hindi naman totoo," paliwanag ni Bautista sa media ngayong Martes.

"Gusto ko lang protektahan 'yung aking pangalan na inalagaan ko for almost 45 years."

Nangyayari ang lahat ng ito sa ikalawang araw ng transport strike ng grupong MANIBELA para isuspindi ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga tradisyunal na jeep kaugnay ng PUV Modernization program — bagay na magdudulot ng phaseout nito.

Matatandaang sinuspindi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III matapos paratangan ng katiwalian.

Lunes lang nang sabihin ni Valbuena sa panayam ng media na minamadali sila ng ilang opisyal na magkonsolida papasok ng mga kooperatiba o korporasyon, at hinihingiang maglagay ng suhol para mabigyan ng rula, provisional authority at special permit para makabiyahe.

"Cybercrime daw po ang ikinaso sa atin. Purely harassment sa atin mga ka MANIBELA???????? tuloy ang laban!" wika ng MANIBELA sa isang pahayag sa Facebook ngayong araw.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang tigil-pasada ng MANIBELA, dahilan para magtalaga na ng mga augmentation vehicle at libreng sakay ang gobyerno para sa mga stranded na mananakay.

Sa kabila nito, naninindigan ang LTFRB at MMDA na hindi naparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon nitong Lunes.

 

 

 

"Based on our monitoring as of 11 am, there was no major disruption of public transportation in Metro Manila,” sabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes kahapon.

"Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public transportation, nabigo po sila. Pero kung ang purpose nila ay magpapansin, siguro nagtagumpay sila sa ganoong aspeto. Nabigyan siya ng airtime, na-interview siya."

Ilang local government units at eskwelahan ang una nang nagsuspindi ng face-to-face classes bunsod ng nationwide transport strike.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

LIBEL

TRANSPORT STRIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with