Habambuhay na kulong bill vs agricultural smugglers aprub sa house

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na mag-aamyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act o ang Republic Act (RA) No.10845 na nagpapataw ng habambuhay na pagkakakulong laban sa mga agri-smugglers.

Ang House Bill (HB) No. 9284, o ang Anti Agri-Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act ay nakakuha ng 289 pabor na boto, walang tumutol at wala ring abstention.

Sa ilalim ng panukala ang smuggling ng bigas at iba pang produktong agrikultura ay ituturing na “economic sabotage” sa ilalim ng panukala at magi­ging habambuhay na pagkakakulong ang parusa rito.

“Malapit nang matapos ang mga maliligayang araw ng mga smugglers, hoarders, at ang mga nagca-cartel. Your days are numbered. Once this bill is enacted, we will use its provisions to the fullest in order to prosecute these evil-doers who made our kababayans suffer,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Dahil sa kahalagahan na maisabatas ang panukala, pansamantalang itinigil ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024 upang bigyang daan ang botohan.

Ang buong titulo ng panukala ay “An Act declaring large-scale agri-fisheries commodities and tobacco smuggling, hoarding, profiteering, cartelizing, and other Acts of market abuse as economic sabotage, Amending for the purpose Republic Act No. 10845, otherwise known as the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”

Show comments