^

Bansa

Coast Guard tinanggal 'barrier' na nilagay ng Tsina sa Scarborough Shoal

James Relativo - Philstar.com
Coast Guard tinanggal 'barrier' na nilagay ng Tsina sa Scarborough Shoal
Makikitang tinatanggal ng Philippine Coast Guard ang "floating barrier" na nilagay ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal, bagay na humaharang sa mga Pilipinong makapangisda sa lugar
Video grab mula sa Facebook ng Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Matagumpay na natanggal ng Philippine Coast Guard ang mga lumulutang na "barriers" sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), bagay na inilagay ng mga banyaga kahit nasa loob ito ng West Philippine Sea.

Lunes lang nang almahan ni National Security Adviser Eduardo Año ang 300-metrong harang na inilagay ng Tsina lalo na't paglabag ito sa karapatan ng mga Pilipinong mangisda sa naturang lugar.

"The decisive action of the PCG to remove the barrier aligns with international law and the Philippines’ sovereignty over the shoal," paliwanag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), CG Commodore Jay Tarriela ngayong Martes.

"[A]ny obstruction hindering the livelihoods of Filipino fisherfolk in the shoal violates the international law. It also infringes on the Philippines' sovereignty over BDM."

 

 

Idiniin ni Tarriela na 2016 pa inanunsyo ng Permanent Court of Arbitration na walang bisa ang nine-dash line claim ng Beijing sa halos buong South China Sea, lugar kung nasaan ang West Philippine Sea. Pagpanig ito ng international community sa karapatan ng mga Pinoy mangisda sa naturang lugar.

Ang special operation na ito ay pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahilan para atasan ni Año ang Coast Guard tanggalin ang harang sa timogsilangang tarangkahan ng Bajo de Masinloc.

"The PCG remains committed to upholding international law, safeguarding the welfare of Filipino fisherfolk, and protecting the rights of the Philippines in its territorial waters," patuloy ni Tarriela.

Sinasabing nasa 120 nautical miles lang ang Bajo de Masinloc sa silangan ng Luzon, pasok na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Palauig, Zambales ang pinakalamapit ditong teritoryo sa lupa.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, ang tanging ang sovereign state lang ang may karapatan sa paggamit ng yamang dagat na matatagpuan sa loob ng EEZ nito.

Tsina: 'Propesyunal' lang aksyon namin

Ipinagtanggol naman ng Tsina ang kanilang desisyong harangan ang naturang pangisdaan habang sinasabing "propesyunal" at "mapagtimpi" ang kanilang aksyon.

"On September 22, a vessel of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources of the Philippines, without China’s permission, intruded into the adjacent waters of Huangyan Dao and attempted to enter its lagoon," wika ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin nitong Lunes.

"China Coast Guard did what was necessary to block and drive away the Philippine vessel."

Patuloy ang pagmamatigas ng Tsina at sinabing matagal na nilang teritoryo ang Huangyan Dao, ang pangalang ibigay ng Beijing sa Bajo de Masinloc.

Dagdag pa nila, "indisputable" ang soberanya nila sa isla at mga kalapit nitong tubig, kabilang na ang soberanyang karapatan at kapangyarihan sa mga malalapit nitong lugar.

Una nang kinundena ng mga senador ang barrier installation ng Tsina lalo na't napipigilan nito ang mga mangingisdang Pinoy na makapasok sa lugar. Tuloy-tuloy ang agresyong ito kahit magkaalyado sina Bongbong at Chinese President Xi Jinping.

Nangyayari ang lahat ng ito ilang araw lang matapos maibalita ang walang habas na pangunguha diumano ng Tsina sa mga corals ng Rozul Reef kung saan una nang nakita ng PCG ang sandamakmak na patay na yamang-dagat.

BAJO DE MASINLOC

BEIJING

CHINESE COAST GUARD

SCARBOROUGH SHOAL

WEST PHILIPPINE SEA

ZAMBALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with