^

Bansa

‘Isuspindi ang online SIM registration dahil sa aberya’ — PAOCC

Philstar.com
‘Isuspindi ang online SIM registration dahil sa aberya’ — PAOCC
Sim cards issued by different telcos in the Philippines as seen in this 2022 photo.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na pansamantalang itigil muna ang online registration ng mga SIM dahil sa pagtanggap daw ng system ng mga pekeng impormasyon at ID.

Ayon kay PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz, may nahanap at nakumpiska raw na equipment na maaaring magpa-rehistro ng umaabot sa 64 SIM nang sabay-sabay, at maaari pang bilhin online ang equipment na ito.

“Siguro po for the meantime — suggestion lang po ito sa amin — huwag muna natin gamitin iyong ating SIM registration, iyong mga bago lang na magpapa-rehistro,” ani Cruz sa panayam sa Unang Balita ng GMA Integrated News, Biyernes.

Para kay Cruz, dapat din na mano-manong salain ng mga telecommunication companies at ng mga autoridad ang impormasyon ng mga nagpaparehistro upang makita ang mga gumamit ng pekeng impormasyon.

“Habang nakatigil iyong pagrerehistro online ay salain na po nila… Kagaya ng sinabi ko physically, manually puwede nilang makita iyong mga dapat tanggalin at imbestigahan na iyong mga iyon,” dagdag ni Cruz.

Una nang ibinalitang umabot sa 16,297 ang bilang ng cybercrime cases na naimbestigahan ng Philippine National Police simula Enero hanggang Agoso ng taong ito.

Kamakailan lang nang inihayag ng National Bureau of Investigation na matagumpay silang nakapagrehistro ng SIM card gamit ang mga ID na may larawan ng hayop noong i-testing nila ang sistema.

Binanggit na dahil dito, maaaring magpatuloy lamang ang mga scam at mas lalong mapapahiran ang autoridad na hanapin ang mga indibidwal na nasa likod ng mga scam na ito.

“The issue we have is that prior to the implementation of the law, there were already fraudulent identities in existence. In fact, as of the moment, they still exist,” sabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc ukol sa pagpapa-rehistro gamit ang mga pekeng ID.

Kaugnay din ng paglaganap ng mga scammers sa pamamagitan ng text o tawag, iminungkahi rin ng Department of Information and Communications Technology na limitahan na lamang ang bilang ng SIM na maaaring irehistro kada tao at gawin mas mahal ang pagbili nito. — intern Matthew Gabriel

CYBERCRIME

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY

ID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRIVACY

SIM CARD REGISTRATION

SURVEILLANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with