Booklet sa gamot ng seniors ‘di na kailangan — DOH
MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng mga senior citizen ng purchase booklet upang makabili at makadiscount sa gamot.
Sinabi ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasunod ng kanyang nilagdaan na bagong Administrative Order (AO) ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Layon ng AO na tanggalin ang pangangailangan ng purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa mga gamot, kasunod ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Tinatanggal ng DOH ang AO No. 2024-0017 ang pangangailangan para sa mga senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, na dati’y kasama ng valid ID at reseta ng doktor, upang makakuha ng diskwento.
“Senior citizen rin ako. Alam kong mahirap laging magdala ng purchase booklet. Kailangan ng mga nakatatanda ang diskwento sa kanilang mga gamot, at dapat madali nating makuha iyon,” ani Herbosa.
Maituturing anya itong regalo mula sa Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nagbigay ng kaginhawahan at mas abot-kayang gamot sa lahat ng mga senior citizen.
- Latest