EO na nagpapalawig ng moratorium sa agrarian debts, nilagdaan ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na nagpapalawig sa moratorium sa pagbabayad ng hulog ng Agrarian Reform beneficiaries.
Pinirmahan ni Marcos ang EO sa isang seremonya kasabay ng paglalatas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa New Agrarian Emancipation Act.
Nakasaad sa EO na pinapalawig nito ang moratorium sa pagbabayad ng utang at interes sa hulog at iba pang bayarin ng mga benepisyaryo ng agrarian reform para sa lupang ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan.
Sa ilalim pa ng kautusan, bibigyan ng dalawa pang extension ang agrarian debt moratorium na ipapatupad sa ilalim ng Executive Order no. 4 na ipinalabas ng Pangulo noong Setyembre 13, 2022.
Inaasahan na makikibanang sa nasabing kautusan ang may 129,059 benepisyaryo sa may 158,209.24 ektarya ng lupain na ang land awards ay hindi umabot sa cut off period noong Hulyo 24, 2023 na itinatakda ng Republic Act 11953 para sa condonation.
Sinabi naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang moratorium ay magpapalakas sa kakayahan ng mga magsasakang benepisyaryo na mapagyaman ang kanilang lupa dahil may magagamit sila para sa ibang gastusin.
- Latest