^

Bansa

Korte Suprema pinarusahan 5 'homophobic' na abogado

James Relativo - Philstar.com
Korte Suprema pinarusahan 5 'homophobic' na abogado
People carry a rainbow flag during a Pride march to show support for the LGBTQ community in Quezon city, suburban Manila on June 24, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Pinagmumulta ng P25,000 ang isang abogado habang pinagsabihan naman ang apat na iba pa matapos ang mga insensitibong tirada nila kontra sa komunidad ng mga lesbiyana, bakla, bisexual, transgender, atbp. sa Facebook.

Ito ang ibinahagi ng Korte Suprema, Huwebes, sa 26-pahinang "per curiam" decision kaugnay ng paglabag ng mga sumusunod sa Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility:

  • Atty. Morgan Rosales Nicanor
  • Atty. Joseph Marion Peña Navarrete
  • Atty. Noel V. Antay, Jr.
  • Atty. Israel P. Calderon
  • Atty. Ernesto A. Tabujara III

Una na kasing sinimulan ni Antay ang isang Facebook thread na nagsasabing: "[J]ust prosecuted and helped convict a member of the LGBTA community for large scale estafa. The new convict then began cussing at me accusing me of being a bigot. A first for me,” sabi niya habang pinupuno ang paskil ng smiley emoji.

“The judge (who is somewhat effeminate) comes to my defense and warns the felon to behave. All in a day’s work."

Sinundan naman ito ni Tabujara ng sumusunod na homophobic na pahayag:

[S]ino yung bakla na judge… [N]aka eye liner and eye shadow pag nag hehearing. Ang taray pa! ... sa 2nd floor puro may sira ulo mga judge, sa baba bakla at mga corrupt.

Biro ni Calderon, posibleng "type" daw siya ng nabanggit na LGBT judge, habang idinidiing "naimbiyerna" ang nabanggit dahil sa "hindi siya mapapasakamay" ng nabanggit.

Sinang-ayunan ito ni Nicanor. Sinasabing nakisawsaw din si Navarrete sa usapan.

P25k multa, posibileng administrative charges

Pinakamabigat ang magiging parusa ni Tabujara sa porma ng P25,000 multa dahil sa "unapologetic" niyang pananaw na hindi man lang nagpapakita ng pagsisisi. Aniya, ginawa ito sa porma ng "reckless, wanton, and malevolent manner."

"What made his infraction worse… is that Atty. Tabujara III made a sweeping statement about the mental fitness of judges and implied that homosexual judges have the same degree of immorality as those of corrupt judges,” ayon sa Supreme Court.

Ika-29 ng Hunyo naman nang maresolba ng Korte, motu proprio, na pagpaliwanagin sina Tabujara, Calderon, Nicanor at Navarrete kung bakit sila hindi dapat patawan ng kasong administratibo.

Inirekomenda naman ng Office of the Bar Confidant noong ika-31 ng Agosto pagsabihan ang mga naturang abogado lalo na't mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang pinag-uusapan nilang mga hukom.

Aniya, binitiwan daw ng limang abogado ang kanilang mga salita para magmaliit ng tao at mamahiya. Humingi naman na raw ng tawad at nagsisisi ang ilan sa kanila kung kaya't "admonition" lang ang penalty na inirerekomenda sa ngayon.

Hindi din daw mai-invoke ang privacy sa online activity ng mga nabanggit lalo na't limitado raw ito pagdating sa kanilang social media accounts.

Malinaw daw kasi sa Belo-Henares v. Guevarra, isang 2016 case, na walang reasonable expectation of privacy sa social media posts kahit na "locked" o "set to friends" ang privacy nito lalo na't nakikita pa rin ito ng ibang tao.

"His [Antay's] excuse—that his social media account is locked and the contents thereof cannot be accessed by outsiders—is a mere allegation at best," dagdag ng korte.

"Allegations are not proof. Further, the fact that the exchanges leaked means that his social media account is not locked as he claims or that there is a rat amidst them."

Sinasabing saklaw din ng paglabag sa Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility ang "inappropriate, disrespectful" at "defamatory language" ng mga abogado, dahilan para disiplinahin sila ng Korte.

“As such, every member of the legal profession is bound to observe and abide by them, especially when dealing with LGBTQIA+ individuals,” dagdag pa ng SC dahil sa pagsang-ayon ng Pilipinas sa prinsipyo ng non-discrimination.

Paglabag sa 'Safe Spaces Act'?

Ipinaalala rin ng Korte na ang bastos at malisiyosong pananalita ay maaaring maging dahilan din ng parusang kriminal sa ilalim ng Republic Act 11313 o "Safe Spaces Act."

Aniya, maaaring mauwi sa gender-based sexual harassment, gaya ng transphobic at homophonic slurs, ng parusang community service, multa, o kahit kulong. Ito'y kahit ginawa ito online.

"[The descriptions given to the convict and the judge are] uncalled for and have no context in the narrative, thus showing gender bias," dagdag pa ng korte.

"There is no room for such stereotypes in conversations among lawyers."

BISEXUAL

DISCRIMINATION

FACEBOOK

GAY

LAWYER

LESBIAN

LGBT

SOCIAL MEDIA

SUPREME COURT

TRANSGENDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with