^

Bansa

'SOGIE' ipinaliwanag

James Relativo - Philstar.com
'SOGIE' ipinaliwanag
Naging mainit ang diskusyon dito matapos arestuhin ang isang transwoman sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender identity or expression" (SOGIE bill) — bagay na proprotekta sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp.

Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang transwoman sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.

Kinilala siya bilang si Gretchen Custodio Diez.

 

 

Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:

Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?

Isyu ng 'sexual orientation'

Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaonting pagkakaiba.

Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao.

Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito  sa tatlo:

  • Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex
  • Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
  • Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex

Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:

  • Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit kaninuman

Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga "male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao.

Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa karaniwang ideya ng katawang male o female.

Usapin ng 'gender'

Maaaring hatiin sa dalawang susing konsepto ang gender: expression at identity.

Ayon sa SB 159, ang gender expression ay ang sumusunod: 

"[O]utward manifestations of the cultural traits that enable a person to identify as male or female according to patterns that, at a particular moment in history, a given society defines as gender appropriate."

Ito naman ang gender expression ayon sa HB 258:

"[T]he way a person communicates gender identity to others through behavior, clothing, hairstyles, communication or speech pattern, or body characteristics."

Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions.

Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao.

Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.

Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki rin ang gusto.

Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae habang babae rin ang gusto.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging kung sino sila.

Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.

Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.

Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.

Parusa kung maipasa ang anti-SOGIE bill

Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon, maaaring patawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito.

Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga nabanggit.

vuukle comment

BISEXUAL

GAY

LESBIAN

SOGIE BILL

TRANSGENDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with