^

Bansa

Tuition fee hike ng private schools namumuro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng ilang private schools na magtaas ng matrikula sa susunod na pasukan.

Ito ang sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) makaraang magsipag-aplay umano sa asosasyon ang mga kasaping private schools.

Ayon sa grupo, ­masyado nang matagal ang panahon na walang taas singil sa matrikula sa mga pribadong paaralan. Sinasabing ang 70 percent sa tuition fee increase ay gagamitin sa pagtataas sa sahod ng kanilang mga guro.

“To respond to the inflation and the ­difficulty, economic difficulties ­being experienced by our parents, we cannot help but also apply for tuition increase ranging from 3% to 9%, 12%,” ayon kay COCOPEA chairman Fr. Albert Delvo.

Binigyang diin naman ni COCOPEA legal counsel Kristine Carmina Manaog na panahon na para maipatupad ang tuition fee hike sa mga pribadong paaralan dahil noon pang bago mag-pandemic ay nagsipag-aplay na rin ang mga ito ng taas matrikula.

Inaalam na ng Department of Education (DepEd) ang­ ­impormasyon sa mga private schools na nag-aplay para sa tuition fee hike.

Ayon naman sa Commission on Higher Education, pag-uusapan pa ang bagay na ito ng Commission en Banc.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with