^

Bansa

'DigiTindahan' sagot sa madaling pamimili gamit ang cellphone 

Philstar.com
'DigiTindahan' sagot sa madaling pamimili gamit ang cellphone 
Stock image of a mobile phone.
Image by Bryan Santos from Pixabay

MANILA, Philippines – Inilunsad ng GCash at ng Nestlé ang DigiTindahan sa GLife katuwang ang e-distributor Great Deals.

Sa pamamagitan ng partnership na ito, ang pamimili ng snacks, cooking essentials, beverages, confectionery, cereals, at iba pa ay maaari na ngayong isagawa ng ilang pindot lamang sa smartphone ng user.

Isang ceremonial agreement signing ang isinagawa kamakailan sa Nestlé office sa Rockwell, Makati, kung saan ang mga consumer ay maaari na ngayong mag-order ng Nestlé products at i-deliver ito sa kanilang mga tahanan.

Ang pag-order ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng Barangay Nestlé DigiTindahan na magiging available sa GLife section ng GCash app.

“This partnership with Nestlé is a true testament to our relentless efforts in helping build inclusive communities across the country that have access to relevant financial services,” wika ni G-Xchange Inc. chief marketing officer Neil Trinidad.

Bukod sa pagiging kumbinyente, ang bagong DigiTindahan feature ay nag-aalok din ng exclusive deals at personalized orders na may subscriptions para magkaroon sila ng sariling bundles.

“As the Kasambuhay of Filipino families, we strive to make our products even more accessible to our consumers nationwide. We are thankful to GCash for making this happen. With this partnership, Nestlé products like Bear Brand, Milo, Nescafe and Maggi are now more accessible to our consumers,” sabi ni Nestlé Philippines chairman and CEO Kais Marzouki.

“This partnership will enable more consumers to access Nestlé products through cashless transactions and efficient fulfillment with the Nestlé Digitindahan. Our promise is to help Nestlé via our dynamic enablement and fulfillment service,” dagdag ni Jace Susara, general manager and executive director ng Great Deals E-Commerce Corporation.

Ang paglagda sa kasunduan ay sinaksihan din nina GCash vice president and head of commercial sales and operations Luigi Reyes, AVP and head of enterprise Macky Limgenco, industry head for distribution Louella De Leon at account manager Melvin Manalo.

Bukod sa pagbibigay ng kaginhawaan, ang Barangay Nestlé DigiTindahan ay nag-aalok din ng free shipping na walang minimum spend eksklusibo sa GLife simula August 8, 2023. 

Bilang unang DigiTindahan para sa mobile wallets, binubuksan ng partnership ang exciting offers sa milyon-milyong GCash users para madaling makabili ng mga pang-araw-araw nilang pangangailangan.

ECOMMERCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with