MANILA, Philippines — Maituturing na “record breaking” sa kasaysayan ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang dumagsang bilang ng mga kwalipikadong aplikante para sa cadet admission test (CAT) ngayong 2023.
Ayon kay PNPA Director PBGen. Samuel Nacion, umaabot sa 37,020 individuals na pumasa sa eligibility ang mapapabilang sa isasagawang PNPACAT sa 37 testing centers sa darating na Agosto 6.
Aniya, mas mataas ito ng 16.28% mula sa rekord noong 2022.
Paliwanag ni Nacion, ang nabanggit na bilang ay mula sa 108,470 na nagsumite ng applications simula noong January 1 hanggang nitong July 15.
Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga kwalipikadong aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT.