^

Bansa

Munti may ordinansa sa ‘Nov. 17 Students’ Day’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklara ng Muntinlupa City government ang Nobyembre 17 bilang “Students’ day” na taunang ipagdiriwang sa layuning bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan ng lungsod na lumahok sa nation-building.

Ito’y matapos maaprubahan na ang Ordinance 2023-094 at 2023 095.

Kabilang din sa ipatutupad na ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa loob ng hurisdiksyon ng lungsod ay ­inaatasang lumahok sa mga programa sa paghahanda sa kalamidad na nakasentro sa mga mag-aaral.

“Our students are the lifeblood of the city, and it is important that we provide all the means available to empower and enable them to build up Muntinlupa with their own contribution, young as they are,” ani Mayor Ruffy Biazon.

Upang mapahusay ang paghahanda sa ka­lamidad at kakayahan sa pagtugon, ang mga mag-aaral sa basic e­ducation ay tuturuan ng basic life support (BLS), habang ang mga nasa mas mataas na antas ng edukasyon ay tatanggap ng pagsasanay sa BLS, first aid, at triage, bukod sa iba pa.

Kabilang din sa matututunan ang education summit, student leadership forum, mga pagsasanay, seminar, workshop, at mga kompetisyon.

Ang ‘Students Day’ ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Nobyembre 17 upang gunitain ang katapangan ng ­siyam na mga estu­dyanteng Czech na tumindig laban sa rehimeng Nazi noong 1939 at pagkatapos ay pinatay. Ang unang pagdiriwang ng Araw ng mga Mag-aaral ay ginanap sa London noong 1941 ng International Students’ Council.

ORDINANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with