Pangulong Marcos pinuri ang Philippine Air Force

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 76th Philippine Air Force Anniversary na ginanap sa Clark Airbase, Pampanga kahapon. May kaugnay na ulat sa pahina 3.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa pagtataguyod ng integridad ng teritoryo ng Pilipinas at pangangalaga sa mga maritime zone nito.

Ginawa ni Marcos ang papuri kasabay ng selebrasyon ng ika-76 anibersaryo ng pagkakatatag ng PAF na ginanap sa Haribon Hangar, Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga nitong Lunes.

“The achievements ­exemplify the values that the PAF stands for: integrity, excellence and patriotism. As members of the Philippine Air Force, you must always uphold these values as the custodians of our skies, entrusted with the task of upholding our national interests, protecting our people, and defending our territory,” ani Marcos.

Sinaksihan din ni Marcos ang “capability de­monstration” sa Colonel Ernesto Rabina Air Base sa Capas, Tarlac kung saan pinangunahan niya ang awarding ng outstanding PAF officers.

“The days ahead will not be easy and will demand every ounce of your strength and resilience. The winds of change signal geopolitical changes around our region and other parts of the world that as yet affect us. The Philippine Air Force’s maritime air patrol missions are thus essential in upholding our territorial integrity and safeguarding Philippine maritime zones,” ani Marcos.

Sinabi ng Pangulo na ikinararangal niyang masaksihan ang anibersaryo ng PAF at nagbalik-tanaw sa mayamang kasaysayan ng hukbong panghimpapawid, na nagsimula noong Unang Digmaang Pandaigdig kung saan  unang ipinakilala ang military aviation sa bansa.

Ang PAF ay itinatag noong 1 Hulyo 1947 sa pamamagitan ng Executive Order No. 94. Bago tapusin ang kanyang talumpati, inulit ng Pangulo ang kanyang pangako na palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang ang PAF sa pamamagitan ng mga acquisition sa ilalim ng AFP Modernization Program dahil nais niyang patuloy na umakyat sa mas mataas na antas ang hukbong panghimpapawid.

Show comments