MANILA, Philippines — Hindi kinaya ng powers ng "Appointed Son of God" ang kapangyarihan ng YouTube matapos i-terminate ng video-sharing website ang channel ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy dahil sa paglabag sa community guidelines.
Martes kasi (oras sa Pilipinas) nang ireklamo si Quiboloy ng Twitter user na si @OrdinaryGamers sa opisyal na account ng YouTube dahil sa patuloy na paggamit ng religious leader sa naturang online platform kahit na hinahabol siya ngayon ng U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) para sa sex trafficking.
Related Stories
"Yo someone at @TeamYouTube has to help the feds or shut this account down. Actual human trafficking priest is running a channel still reaching out to victims less than 12 hours ago,"
"Dude has an FBI warrant out rn."
Yo someone at @TeamYouTube has to help the feds or shut this account down. Actual human trafficking priest is running a channel still reaching out to victims less than 12 hours ago.
— Mutahar (@OrdinaryGamers) June 19, 2023
Dude has an FBI warrant out rn. pic.twitter.com/7f98oFpzws
Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng otoridad ng Estados Unidos si Quiboloy, na naging "spiritual adviser" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos mahainan ng patung-patong na kaso.
Maliban kay Quiboloy, wanted din sa Amerika ang KOJC officials na sina Teresita Dandan at Helen Panilag matapos ma-indict para sa "conspiracy to engage in sex trafficking" at sex trafficking ng mga bata, atbp.
"[U]pon review, we've determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated," wika ng @TeamYouTube ngayong Miyerkules (oras sa Maynila) sa Twitter.
hey, update here: upon review, we've determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated
— TeamYouTube (@TeamYouTube) June 20, 2023
Maliban sa pagiging religious leader at marangyang pamumuhay, dati nang ibinibida ng kontrobersyal na pigura ang kanyang "kapangyarihang" magpahinto ng natural calamities gaya ng mga lindol.
Pinangungunahan din ni Quiboloy ang media network na SMNI, na ilang beses nang nagiging lunsaran ng red-tagging ng mga peryodista, ligal na aktibista at pagpapakalat ng disinformation.