Cashless payment, mas gusting gamitin ng maraming Pinoy

MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy ang gustong magbayad ng cashless para sa mas mabilis, convenient transactions sa mga bayarin.

Sa ginawang pagtatanong ng Consumer Payment Body ng Global company na Visa sa 1,000 katao, 50 percent ay nagsabing mas gusto nilang gamitin ang digital platform payment tulad ng E-wallet, QR code at card swipe sa pagbabayad dahil hindi na sila nagdadala ng maraming cash at mas convenient nila itong gawin at mabilis.

Nasa 40 percent naman ang nagsabing kaya nilang gumamit ng cashless payment ng ilang araw at 22% ang kayang gamitin ang cashless payment ng isang araw.

Sinabi ni Jeffrey Navarro, Visa country manager sa Pilipinas, na bukod sa mabilis ang transactions sa digital payment program ay may mga reward at discount pa kapag ito ang kanilang ginamit.

Nais naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas  na kalahati ng retail payments  sa bansa ay digital na para maisama sa formal financing system ng bansa.

Show comments