MANILA, Philippines — Patuloy na dumami ang mga nasalanta't pinsalang naitamo ng Severe Tropical Storm Betty habang tinataya ang paglabas nito sa Philippine area of responsibility.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Huwebes, pumalo na sa 30,506 katao ang nasalanta ng naturang sama ng panahon, kabilang na ang isang sugatan na naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR).
"Of which, 293 families or 1,039 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 89 families or 287 persons were served outside ECs," dagdag ng NDRRMC.
Anng mga nabanggit ay nagmula sa sumusunod na lugar:
- Ilocos Region: 56
- Cagayan Valley: 3,266
- Central Luzon: 11,361
- MIMAROPA: 1,860
- Western Visayas: 6,523
- CAR: 7,440
Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang nawawala o namatay sa ngayon.
"A total of 23 damaged houses are reported in Region 1, Region 3, Region 6, CAR," paliwanag pa ng konseho. Lima rito ay wasak na wasak habang 18 dito ay bahagyang napinsala.
Umabot naman na sa P25,000 halaga ng pinsala ang naitamo ng bagyong "Betty" sa Cordi pagdating sa sektor ng agrikultura habang P68,695.58 halagang damages naman ang naiwan sa ngayon sa imprastruktura.
Nakapaglabas naman na ng nasa P3.51 milyong halaga ng ayuda sa ngayon para sa mga naapektuhan ng bagyo sa Region 1, Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 6 at CAr sa porma ng family food packs, pera, sleeping kits, atbp. — James Relativo